isang kwento ng kabangagan at pag-ibig...
Mahal Kita, P're
Syet! Kaya pala di ko mahagilap ang loko sa buong school ay dahil may bago
na namang kinalolokohan. Sabi, magbi-billiard daw kami, yun pala, kung anu-anong
extracurricular activities ang pinagkakaabalahan.
Hay, naku! Ang hirap talagang ma-inlove sa bestfriend mo. Walang
kasiguraduhan. Ang hirap pa nito, three years na kaming magkaibigan. Masyado
kaming malapit. Ultimo kaliit-liitang detalye sa buhay niya ay alam ko at gayon
din naman siya sa akin.
Ang tagal ko na palang inaalagaan itong pagsintang pururot na ito. Imagine,
three long years. Di man lang makahalata pagkamanhid manhid!!! hmp...pero
siyempre ayaw kong magpa-cute.. me pride 'to noh!..kahit hirap pigilin.
Actually, nag-ki-click kaming dalawa kasi pareho kami ng trip sa buhay. We
share the same hobbies. Sabi nga ng iba, bagay daw kami pero tatawanan lang
namin 'yun sabay magko-chorus ng "'di kami talo, 'no!"
"Lam mo kasi Meg, kung magdadamit babae ka lang, ano'ng panama ni Dawn
Zulueta sa'yo?" kantiyaw pa nila. Binatukan ko nga isa-isa. Loko'tong mga to,
ah! Tuturuan akong magdamit. Frankly speaking, tama sila. Boyish kasi ang dating
ko. Tapos 'yung mga hobbies ko, eh, panlalake pa. Pero babaeng-babae ako by
heart, take note! Nakasanayan ko na ang ganito mula nang mamatay ang parents ko
at matira ang apat na barako kong kapatid.
Alam lahat 'to ni Uriel, ang mahal kong bestfriend. Minsan, sabi nya sa
akin, "Sagutin mo na kasi ang isa sa mga manliligaw mo para foursome tayo pag
nag-date. AT saka p're, beauty ka naman, eh," Sabay akbay sa akin.
Mangani-ngani ko nang batukan. Ang hirap na ngang maghintay at umasa
bubuladas pa ng ganon. Actually, hindi ako comfortable sa mga bestida at palda.
Mas gusto ko pa 'yung maong at t-shirt with matching sneakers.
Pero teka, three hours na siyang wala ah! Ang tagal naman 'atang maghatid ng
babae niya. Baka kung saan na sila nagpunta. Naku! Huwag naman sana...doon.
Ehem! Dumating na ang loko. Kaasar! Ang ngiti, abot-tenga. "P're, teka lang!
Pumapanget ka, eh! 'Yung kilay mo, salubong na. Let me explain first", bungad
niya.
"Di ko alam na may brand new victim ka na naman", kanda-tulis ang nguso ko.
"Ah, si Irene, I met her when she approached me during the team practice. My
teammates introduced me to her. Kanina, coincidence lang na nagkita kami and she
asked me to accompany her to her friend's birthday so I joined her. I think
she's nice and I think too, that I'm in love with her," proud pa niyang sabi
sabay ngiti.
"Neknek mo. Mamaya diyan, mag-emote ka na naman gaya ng nangyari sa inyo ni
Crissy," sabi ko. Si Crissy girlfriend niya na niloko siya dahil tatlo pala
silang boyfriend nito.
"Well, this time, I'll make sure that it wont happen again."
"Tingin ko nga eh...kasi tatlong oras mo akong pinaghintay."
"Halika na nga. Iti-treat na lang kita."
Naging constant date ni Bespren si Irene na mukhang cellphone. Grrr, modesty
aside (ulit!), mas maganda pa ako sa mga naging girlfriends niya. Correction,
I'm not sourgraping 'coz I'm just telling the truth.
Hay, naku! Nakalimutan na 'ata ako. Two weeks na kaming di nagkikita. I
think he's serious about the girl. Later I found out that he's courting her.
Aray! Masakit, ah. Di na ko nasanay. Ilang babae na ba ang nagdaan sa buhay
niya? At ilang beses na ba akong... Tinigil ko na ang pagbilang.
Ni ha, ni ho, wala talaga. Palagi nang absent sa mga subjects namin.
Tinamaan ng lintik, bahala siya sa buhay niya. Di ko mahagilap.
One day, sa billiard hall...
"Meg, congratulate me, P're. Girlfriend ko na si Irene," di niya raw
tinigilan. Excited pa siya nu'ng binabalita sa akin. Nakuha raw sa tiyaga.
Parang hinang-hina ako. Kailangang sumandal ako. Tingin ko, bugbog-sarado na
ang puso ko.
"Really?", kuha ko pang ngumiti (plastic ako eh...)
"Mamaya, inuman tayo. Tayong dalawa lang. 'Lam mo, P're, aalagaan ko na
itong relationship ko with Irene. I love her very much," at nag-daydreaming na
ang loko. Sarap talagang batukan!
"Hoy, Mr. Uriel Martinez, baka nakakalimutan mo, ang dami mo nang absences.
At saka, may project tayo sa lahat ng subjects. Malapit na ang finals, mag-aral
ka naman. Porket nakilala mo lang 'yun, eh, nagkaganyan ka na," nakapameywang
kong sabi. Uriel is a constant scholar and I wonder kung mare-retain niya 'yun.
"With the girl of my dreams, mas lalo akong na-inspire ngayon. I'm gonna
talk to all professors."
Pinahiram ko siya ng mga notes and he survived. Uriel is every girl's dream
and ideal man. A varsity player, a consistent scholar and with the killer looks.
He's also immensely rich with good traits at may kaya rin ang pamilya niya.
After the final examinations, nanood kami ng "My Bestfriend's Wedding". Buti
nga, di sumama si "mukhang cellphone". Nayaya daw ng barkada, sabi ni Bespren.
Come to think of it, parang gusto kong mag-emote. Parang nakakarelate ako
pero Diyos ko, ayokong pong in the end, eh, ako ang magsasabing Please, oh God,
I love him very much.
There's one particular scene na talagang napaiyak ako agad. That's the
wedding scene. Feeling ko, ako si Julia. Iniisip ko pa lang na mawawala siya sa
akin, parang gusto ko nang mamatay.
"P're, ok ka lang? Napaka-senti mo pala. Paiyak-iyak ka pa diyan. Corny mo
ha! O, hayan, the end na. Let's go," sabay hila sa kamay ko.
'Langya 'to, ang daming sinabe eh kung bakit ako nag-eemote dito. Syet!
Napakalaking eskandalo. Kahiya!
Second semester...
"Meg, can I talk to you?" bungad niya sa akin pagpasok ko pa lang ng room.
It has been two weeks since the classes started.
"O, what's up? You look upset. Problem?"
"Sana, you'll understand. About Irene. You know from the very start that I
love her. Eh, ano, God, how will I say this? Meg, she's jealous of you. Masyado
raw tayong close. Bawas-bawasan ko raw ang pakikitungo ko sa'yo,"
he said trying to control his voice.
Shock naman ako. Ako, pagseselosan? Grabe. It's absurd. may tililing yata sa
ulo ang babaeng 'yun. Di ko 'ata alam kung paanong mag-react.
"O, ano? Tumahimik ka na diyan."
"E, kasi naman, sira-ulo pala 'yung girlfriend mo eh... alam naman niyang
magkaibigan na tayo eversince..."
"Selosa siya, P're. So please Pare, bear with me."
Actually, masakit. Dahil lang sa babaeng 'yun! Parang gusto kong sumbatan si
Bespren. Para kasing ipinagpalit niya ako sa babaeng 'yun, to think na matagal
na ang pinagsamahan namin.
Then he spoke, "Sana, 'wag kang mag-isip na mas pinahalagahan ko siya kaysa
sa iyo kaya lang, mahal na mahal ko siya, eh...Know what? Pag nakita mo na ang
lalaking para sa iyo at ma-inlove ka ng todo, maiintindihan mo ako."
Damn you, Uriel. Nagmamahal na ko, three years ago pa. "Okay, tama na.
Nag-monologue ka na diyan. Sige, didistansiya na muna ako."
"Di ka galit?"
"Of course not." (Plastic talaga ako eh...Orocan ang brand).
I can't imagine, all of a sudden, solo flight na ako. Wala na akong
kaututang-dila. Wala na akong kasama sa pag-bibilliard at pag-lalaro ng
basketball. Higit sa lahat, tumamlay na ang mundo ko.
Love means sacrifices and I'm ready for it. Okay lang, sana, maligaya siya
sa piling ng babaeng 'yun.
One afternoon, sa garden ng bahay namin, an unexpected visitor came...it's
Uriel.
"P're, inuman tayo," salubong agad niya sa akin. Mukhang problemado ang
mama.
"Himala ng mga himala. ano'ng milagro 'to? Buti, pinayagan ka ng bantay
mo?", sabi ko habang sini-switch ko 'yung radio. I chose an FM station. The song
"How do I Live" by Trisha Yearwood eh, naging background namin.
Quite romantic, isn't it?
Good Lord, buti na lang, wala ang mga asungot kong mga kapatid kundi
tutuksuhin na naman nila ako kay Uriel kasi they won't believe na friends lang
kami.
"Break na kami." Parang na-bingi ako sa sinabi niya.
"Paki-ulit nga."
"We parted ways. That woman, kagaya rin siya ng ibang babae."
Di ko alam kung magtatalon ako sa tuwa o makikisimpatiya ako sa kanya. I
went to the kitchen to prepare a merienda.
"Meg, 'yung beer."
"Hoy, Uriel, baka biglang dumating ang mga Kuya. O, etong mango juice. Teka,
ano ba'ng nangyari?"
"Curse her, Pare. I saw her with another man. Don't tell me na baka pinsan
niya 'yon or kapatid dahil they are actually kissing, sa lips. Then kanina, she
called it quits 'coz she's no longer happy with me. That girl, lahat ng kapritso
niya, sinunod ko even the most difficult one 'yung tungkol sa'yo tapos, ito pa
'yung gaganti niya."
"Pare, ba't gano'n lahat na lang ba ng mamahalin ko, eh, iiwanan ako?"
Napaiba ako ng direksyon. Gusto ko na kasing batukan. Nangangati na ang
kamay ko. Iiwanan daw siya, eh, hanggang ngayon, hopelessly in love pa rin ako
sa kanya.
"Meg, say something."
"Something."
"Corny! Ano? Para kang natigilan." Buti alam mo.
"E, kasi, hanap ka pa ng hanap kung saan-saan, eh, meron naman diyan
>>nagmamahal sa'yo ng lubos at matagal na niyang inaalagaan 'yon."
Shame! Lagot ako! Bruha talaga ako, baka makahalata. "What do you exactly
mean by that?"
"Err, what have I said? Kainin mo na nga 'yang cheesecake." Deadma galore
(palusot!)
"No, I heard it right. At sino naman 'yun?" Teka, ba't parang iba na ang
timplada ng mukha niya? At saka, ba't palapit na siya ng palapit? Tingin ko, ang
gwapo-gwapo niya. Ala! Nasa harapan ko na. Then inalis niya'yung bullcap ko.
Kinalag niya 'yung pagkakatali ng buhok ko. Bumigay ang buhok kong hanggang
baywang. Hey, what's this?
"Ah, eh. Ano-" Stop stammering. Damn!
"P're, talagang maganda ka na, noon pa man. But wait, sino ba 'yung sinasabi
mo?"
Now, his arms were wrapping my body. Aba, parang sumusobra na'to ah!
Pilit ko siyang tinutulak palayo pero ang higpit ng pagkakayakap sa akin.
"Hindi kita pakakawalan hangga't di mo sinasabi sa akin kung sino 'yun?"
"Blackmailer."
Huli na, wa na. Bistado na.
"Langya ka, Uriel, Matagal na kitang mahal. Di mo ba nahahalata? Ang tagal
kong itinago dahil baka pagtawanan mo lang ako," I'm hysterical and I can't stop
from crying. At long last, nasabi ko lang.
"Hush, honey. I have my fair share of confession, too. Mahal na kita, P're,
noon pa pero I have to ignore the feeling kasi kaibigan kita. Kaya ang dami kong
niligawan 'coz it's my way of forgetting you. Nang dumating si Irene, akala ko
siya na ang pwede kong ipagmalaki sa'yo. In fairness to Irene, minahal ko siya,
pero kanina, nabuhay 'yung pinakatagu-tago kong pag-ibig sa'yo.
SArap! kiligs ..
"Do I need to change my identity? Di ba tipo mo 'yung mga sophisticated
women?"
"Honey, nu'ng minahal kita, ganyan ka na talaga. By the way, I won't call
you pare anymore. Di ata magandang pakinggan, di ba?"
Pero kanina pa nakalingkis yung mga kamay niya sa akin, eh... Kumawala ako.
"Mr. Martinez, nakakahalata na ako, eh...Kanina ka pa," sabi ko, then he let
go of me. "One more thing, di kaya kailangan mo akong ligawan?"
"WHAAAT?"
"But of course."
"Pero-"
"No ifs, no buts."
"Okay, okay, I'll start today."